A New Priest!

John 9:1-41

Thanks to technology, kanina sa FB naka announce na Pari na si Jover at si Bon! Siyempre po, sa mga kamag-anak, kaibigan at  parokyano, kayo ay nasisiyahan at nagpupuri sa Diyos.

Pero tanongin ninyo ang mga Paring taga paghubog niya sa seminary, yun mga kaklase niyang seminarista, at yun kanyang Spiritual Director, bagamat kami din ay nasisiyahan at nagpupuri sa Diyos, mayroon emotion na mas namamayagpag: “Sa Diyos walang impossible.”

Sino po ba ang magaakala na si Jover, na simpleng tao, simpleng pinanggalingan ay makakapag tapos sa San Carlos Graduate School of Theology at ma ordain na maging pari ng Diosesis ng Cubao?

Sa Diyos walang impossible.

Fr. Jover, sa ebangelyo ngayon ay pinaguusap ang isang taong bulag. Bagamat tayo ay nakakakita, salamat sa diyos, may mga bagay bagay sa pag papari naway sana huwag kang maging bulag:

Tatlo sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  1. Nawa’y huwag kang maging bulag sa katotohanan na ang lahat ay may biyaya. Karamihan sa aming pari ay high school pa lang ay nasa seminaryo na. At alam natin na ang mga Pilipino ay napaka generous. Kaya HS pa lang, nabibiyayaan na ng napakaraming bagay. HS pa lang, may mga privileges na. HS pa lang, medyo iba na ang trato. Huwag kalimutan Jover na ito ay biyaya at wala tayo dapat sense of entitlement. Ang salita ni Kristo, “I came to serve and not to be served.”
  2. Nawa’y huwag kang maging bulag sa mga krus ng iyong parokyano at lahat ng taong makakasalimuha mo. Napaganda ng isang quote na nakalagay sa FB: “Maging mabait ka lahat ng taong iyong makakasalimuha dahil lahat tayo ay may pasanin sa buhay.” Mahirap ito dahil tayong pari ay mga pasanin din. Huwag kang magalala, dahil ang lakas at grasya ay manggagaling sa Diyos. Hindi tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kakayanin.
  3. Nawa’y huwag kang maging bulag sa kagustahan ng Diyos. Minsan may kausap akong doktor at kanyang pabirong sinabi na ang dalawang pinaka mahirap na pasiente ay yung kapwa niyang doctor at pari. Alam nating ang mga biro, may laman na katotohanan yan. Kanina, nangako ka na magiging masunurin ka kay Bishop Nes. Sa ngayon, madali yan. Pero habang tumatagal sa ministry nagiging masmalaking hamon yan. Sabi ng isang spiritual writer, “You cannot go wrong with obedience. The authority is God’s representative in our vocation.”

Kapag may newly ordained, kalimitan binabati nating ng “Congratulations.” Pero alam naman ng lahat ng bagong ordained na ang kanyang pagiging pari ay hindi dahil sa kanyang sariling kakayanan kung hindi grasya ng Diyos. Jover, Nakita mo ito sa sariling buhay at ang lahat ay Grasya ng Diyos. Naway, ito ay maging isa sa mga aral na umalingawngaw sa iyong Pagpari: Sa Diyos walang impossible. Lahat ng Grasya, sa kanya nanggagaling.” Huwag  ka sana maging bulag sa katotohanan na ito, Huwag sana tayo maging bulag sa katotohanan na ito.

One Comment Add yours

  1. eva jervoso says:

    Ito po kaya ang bagong pari sa SFNP?
    Mayroon po kasi siyang kakaibang mannerism na parang di dapat sa isang pari.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s